Sunog sa Quiapo: 2 patay

MANILA, Philippines - Isang saleslady at isang hindi pa kilalang lalaki ang nasawi, habang apat ang dinala sa pagamutan sa mahigit 2 oras na sunog na umabot­ sa ikatlong alarma­ na naganap sa isang lodging­ house sa Quezon Boulevard, Quiapo, Maynila­, kahapon ng madaling-araw.

Agad na nakilala ang namatay sa suffocation na si Grace Mendoza-Flores, 33, salesclerk sa Isetann Supermarket, nang magtungo ang mga kaibigan nito na nagsiwalat din na ang mister nito ay kamakalawa pa lamang sumampa ng barko, bilang seaman.

Nang ideklarang fire-out dakong alas-6:50 ng umaga­ ay natagpuan din ang bangkay ng isa pang lalaking inilarawan sa edad na 38-40 anyos, may taas na 5’8’’, payat ang panga­ngatawan, nakasuot ng maong na pantalon at naka-bonnet. Sa silid umano nito nagsimula ang apoy sa Room 107 Red Apple­ Lodging Inn, Read Apple­ Building, sa #641 Quezon Blvd., Quiapo, Maynila.

Sa report ni FO1 Louie Ebio, ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa mismong silid ng biktimang lalaki.

Ang lalaking biktima ay nag-check-in umano dakong alas-12:05 ng madaling-araw at kinuha ang Room 107 sa halagang P290 sa loob ng 12 oras.

Nakarinig umano ng malakas na putok mula sa Room 107 ang cashier­ na si Helen Omas-as, kaya inutusan nito ang mga kasamahang staff ng Read Apple­, na alamin ang pinang­galingan ng putok subalit hindi na sila nakalapit sa mismong kuwarto ng biktima dahil sa tuluyan na itong nasunog.

Dahil dito, hiniling ng BFP na imbestigahan ng Scene of the Crime Opera­tives at MPD-Homicide Section ang insidente.

Sa report naman ni SPO1 Amelito Lopez ng MPD-Homicide Section, bumalik umano sa kanyang kuwarto si Grace upang kunin ang ilang gamit su­balit hindi na ito nakababa mula sa 3rd floor nang ma-suffocate sa kapal ng usok.

Kabilang din sa biktima ng minor suffocation sina Jonnel Lee, 58; Jenny Lee, 38; Wille Lee, 48; at Edward Chekoe, 58, pawang nanunuluyan sa 5th floor ng nasabing gusali.

Show comments