5 jail officer natulog sa duty, sinuspinde ng DILG

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng tatlong buwan­ ni DILG Secretary Jesse Robredo ang limang city jail officers ng Navotas matapos mapatunayang natu­tulog habang naka-duty kaya’t natakasan ng limang bilanggo noong Enero 23 na may mga kasong murder, robbery, illegal­ possession of firearms at illegal drugs.

Ang mga sinuspinde ay sina Senior Inspector Manuel Serquina at apat na tauhan na sina Senior Jail Officer 3 Sencino Abrazaldo, SJO1 Adan De Loza, JO1 Loreto Edosor at JO1 Enrico Velasquez.

Sinasabing ang mga bilanggo ay nagawang makawala mula sa selda 3 sa pamamagitan ng pagdaan sa rear exit ng bilangguan na walang kamalay-malay ang mga jail officers dahil sa mahimbing na pagkatulog habang naka-duty.

Nalaman lamang na natakasan na sila ng bilanggo nang mag-ingay ang ibang preso dahil sa mga tumakas na inmates.   

Show comments