Police asset itinumba

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki na sinasabing asset umano ng pulisya sa kampanya laban sa iligal na droga makaraang dalawang beses na barilin ito sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si Bryan Diaz, 35, at residente ng   Brgy. Western Bicutan.

Sa ulat ng Taguig City Police, naganap ang krimen dakong alas-3 ng madaling-araw sa tapat ng bahay ng biktima. Nasa labas ng bahay umano ang biktima at may kausap nang dalawang putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar.

Nabatid na sinasabing asset umano ng Taguig police ang biktima na nagbibigay ng impormasyon ukol sa operasyon ng iligal na droga sa lungsod. Posible umanong nabisto ito ng mga miyembro ng sindikato kaya ito itinumba.

Show comments