Cyclist sumemplang, dedo

MANILA, Philippines - Basag ang ulo ng isang 63-anyos na lolo na na­ging sanhi ng kamatayan nito makaraang sumemplang nang malubak sa manhole ang minamanehong bisikleta at humampas ang ulo sa sementadong kalsada sa Marikina City, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot si Carlito Igina, nakatira sa Diaz Compound, Brgy. Manggahan, Rodriguez, Rizal.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-5:00 ng hapon sa J.P. Rizal St. corner Kingsway, Brgy. Concepcion Uno sa  nasabing  lungsod.

Ayon sa report, ang biktima ay sakay ng kanyang racer bike at papauwi na ng kanyang bahay galing sa pamamasyal nang mai-shoot sa bukas na manhole ang gulong ng kanyang bisikleta na siyang dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela at nagresulta ng pagkakatumba at mabagok ang ulo sa semento. 

Show comments