Bunker sumabog sa fish port: 1 patay, 5 sugatan

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki at malubha namang nasugatan ang limang kasamahan nito matapos sumabog at magliyab ang sina­sakyan ng mga itong bunker na nakadaong sa Navotas Fish Port, Navotas City kahapon ng umaga.

Sunog ang bangkay ng biktima na nakilala lamang sa pa­ngalang “alias Jun-Jun.       

Samantala, nilalapatan naman ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center at Philippine General Hospital (PGH) ang mga biktimang sina Danilo Medida; Marvin Reyes; David Labonete; Jobert Maclas at Ronald Villosillo.

Sa report ng nakalap mula sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP)-Maritime na nakabase sa Navotas City , naganap ang insidente dakong alas-6:00 sa Pier 3, ng Navotas Fish Port.       

Nabatid na  nakadaong sa Pier 3 ng Navotas Fish Port ang sinasakyang Marina Bunker ng mga biktima na pag-aari ng isang “alias Bhoyet at isang alias Eddie” kung saan may kargang gasolina at krudo. Habang inililipat ng biktima ang baterya ng naturang burker sa ibang bangka ay bigla itong nag-spark, dahilan upang sumabog na ikinasawi ng isa katao at malubha namang sugatan ang lima pa. Patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso.

Show comments