Biktima ng summary execution natagpuan

MANILA, Philippines - Isa na namang lalaki na sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan sa Brgy. Don Fabian sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon.

Ang biktima na kasa­lukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ay tinatayang nasa pagitan ng edad na 35-40, may taas na 5’6’’, nakasuot ng kulay brown na shorts.  

Nakabalot ng pack­aging tape ang mukha ng biktima at nakagapos ang mga kamay nito kung saan pinagsasaksak ng ice pick sa dibdib.

Sa ulat, pasado alas-3 ng madaling-araw nang matagpuan ng ilang vendor­ ang nakabulagtang lalaki sa may tapat ng Don Fabian Subdivision sa nabanggit na lungsod.

Unang inakala na senglot lamang ang lalaki at naka­tulog sa kalye kaya hinayaan lamang ito ng mga vendor.

Pero nang unti-unting gumagapang ang liwanag sa himpapawid ay saka lamang nalaman na isa na pala itong bangkay habang patuloy naman ang im­bestigasyon ng pulisya.

Show comments