Vulcanizer grabe sa 4 senglot

MANILA, Philippines - Kasalukutang naki­kipaglaban kay kamatayan ang isang 35-an­yos na lalaki matapos mapagtripan na pagsa­saksakin ng apat na senglot sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nasa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang naghihingalong bik­timang si Bryan Salvador, nagtatrabaho sa vulcanizing shop at nakatira sa Maypajo, Marikina Street sa Barangay 35 sa nasabing lungsod.

Naaresto naman ang tatlo sa apat na suspek na sina Jonas Intia, Albert Jay Aguipo Sanlitan, Julio Castro, habang pinaghahanap naman ang isa pang suspek na si Jeffrey Dela Cruz.

Napag-alamang pauwi na ang biktima kasama ang kaibigan nitong si Francis nang harangin at pagtulu­ngang saksakin ng mga suspek.

Show comments