Misis sinaksak dahil sa cellphone

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 42-anyos na babae makaraang saksakin ng kanyang ka-live-in partner dahil sa cellphone kahapon ng umaga sa Caloocan City. Inoobserbahan sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Catalina dela Cruz ng Phase 4, Package 2, Barangay 176, Bagong Silang. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Danilo “Danny” Ramos, 43. Sa imbestigasyon ni SPO4 Dicoroso Domingo ng Station Investigation Division, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng magka-live-in. Lumilitaw na sinita ng babae ang kanyang live-in dahil binura nito ang mga numero ng mga kaanak sa kanyang cellphone kaya hindi na magawang tawagan. Dito nagalit ang suspek kaya isinagawa ang pananaksak saka tumakas.

Show comments