Ivler pinayagang magpa-ospital ng korte

MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Quezon City Regional Trial (QC RTC) si road rage suspect Jason Ivler na magpa-confine sa ospital para sa reversal ng kanyang colostomy ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Kaugnay nito, inatasan ni QC RTC Branch 84 Judge Luisito Cortez ang mga abogado ni Ivler na sina Attys. Joseph Sagandoy Jr., Edwardson Ong at Priscilla Marie Abante na makipag-ugnayan kay Dr. Romeo Abary ng Quirino Memorial Medical Center at Sr. Insp. John Conrad Basilio, jail warden ng Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig City para maipatupad ang kanyang kautusan.

Sinabi ni Judge Cortez na mismong siya ay nakita ang physical condition ni Ivler at hirap na dinadanas nito dahil sa pagkakaroon nito ng impeksyon. Bunsod nito, inatasan ni Judge Cortez ang mga abogado nito na magsumite sa kanya ng compliance report sa loob ng limang araw oras na matanggap ang kanyang kautusan.

Inatasan din ang mga ito ng hukom na magdeposito ng P500,000 para matugunan ang bayarin sa kanyang hospital confinement at doctor’s fees sa Branch 84, at dagdag na P30,000 deposit para sa contempt case na isinampa dito sa QCRTC-Branch 76.

Si Ivler ang sinasabing pumatay kay Renato Victor Ebarle Jr. sa isang away trapiko may dalawang taon na ang nakararaan.

Show comments