Bebot patay sa riding-in-trio

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 37-anyos na babae nang ba­rilin ng isa sa tatlong lalaking magkaka-angkas sa motorsiklo sa Paco, Maynila, kahapon ng tanghali.

Sa Sta. Ana Hospital na tuluyang binawian ng buhay ang biktimang si Shiela Mendoza, dalaga, ng Paco, Maynila sanhi ng tinamong apat na tama ng bala sa katawan.

Patuloy pang nangangalap ng impormasyon ang pulisya sa pagkilanlan ng riding-in-trio, sinasabing humoldap sa biktima.

Dakong ala-1:10 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa biktima sa kanto ng Sta. Maria at P. Gil Sts., Paco matapos umano ang ginawang pagwi-withdraw sa banko ng nasawi.

Nabatid na habang nag-aabang ng masasakyan ang biktima nang tabihan ng motorsiklo ng tatlong suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang pamamaril.

Show comments