Driver utas sa agawan ng pasahero

MANILA, Philippines - Todas sa apat na saksak sa dibdib ang 40-anyos na jeepney driver ma­tapos makaaway ang kapwa driver­ sa pilahan ng jeep dahil sa agawan ng pasahero sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pang buhay sa Chinese General Hospital ang biktimang si Emilio Entretinga, ng Blumentritt Ext., Sampaloc.

Nagtatago na ang suspect na kinilalang si Ronel Tolentino, 37, ng Vision St. Sampaloc, Maynila.

Sa ulat, dakong alas- 6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Aurora Blvd. at Isagani St. sa Sta. Cruz.

Nakita ng mga kasamahang driver na nagtatalo ang biktima at suspect, habang kapwa nakapila sa pagkuha ng pasahero, hanggang sa bumunot ng patalim ang huli at inundayan ng magkakasunod na saksak ang biktima.

Show comments