Itinapong fetus pinabaunan ng rosaryo

MANILA, Philippines - Isang fetus na pinabaunan pa ng rosaryo ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa 3 hanggang 4 na buwan ang lalaking fetus na nakasilid sa isang plastic.

Dakong alas -7:00 ng umaga nang pulutin ng isang Aurelio Climaco, basurero, ang plastic dahil sa inaakalang nag­lalaman ng mapakikinabangan na nakatambak sa Anonas St, sa Sta. Mesa, Maynila.

Nagulat siyang fetus ang laman na may ka­tabi pang rosaryo kaya ipina­batid sa awtoridad.

Show comments