MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang bangkay ng lalaki na may marka ng bigti sa leeg ang itinapon sa likod ng PhilPost building sa Intramuros, Maynila, kahapon ng umaga.
Tadtad ng tattoo sa katawan ang biktimang inilarawan sa edad na 35-40, may taas 5’5, katamtaman ang pangangatawan. Kabilang naman sa tattoo ang “Love Me” sa kanang kamay; Baniag sa kanang hita at iba pa.
Sa ulat ni PO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:15 ng umaga nang madiskubre ng magkaibigang sina Ron Reyes at Joel Umacob ang nakahandusay na bangkay ng biktima sa Muelle Del Rio St., Intramuros.
Posibleng ang bangkay ay itinapon lamang doon at sa ibang lugar ito binigti o pinatay sa sakal.