Putol-putol na katawan, ikinalat sa Valenzuela

MANILA, Philippines - Pinagputol-putol  ang kata­wan ng pamangkin ng isang barangay chairman bago ikinalat ang ibat-ibang bahagi nito sa dalawang lugar sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Kinilala ng Valenzuela City Police ang biktima na si Julius Caco, pamangkin ni Nicodemu Caco, chairman ng Brgy. Karuhatan ng na­banggit na lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-3:00 ng umaga nang matagpuan ang mga paa at kamay ng biktima na nakasilid sa sako sa Arbour Town Subdivision, Brgy. General T. de Leon ng naturang lungsod.

Kasunod naman ay na­tagpuan ang katawan nito na nakasilid din sa sako sa may Fortune Village, ng na­banggit na barangay habang ilang metro lang ang pi­nag­ta­punan sa ulo.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigayon ang pulisya hinggil sa ka­rumal-dumal na insidente.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

Show comments