MANILA, Philippines - Binalaan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang publiko na maging mapanuri sa pagbili ng mga karne at mga process food gaya ng ham at hotdog na kadalasang inihahanda sa Pasko.
Ayon kay Atty. Jane Bacayo, executive director ng NMIS ay dahil sa naglipana na naman ang mga botchang ham at hotdog sa mga pamilihan na kalimitang lumalabas tuwing holiday season.
Anya, mas mainam na bumili ng pagkaing ham at hotdog sa mga supermarket o mga kilalang pamilihan na may mga branded na process meat dahil tiyak itong dumaan sa pagsusuri ng ahensiya.
Sinabi ni Bacayo na kung hindi naman maiiwasan na bumili ng ham, hotdog at ipa bang processed meat sa iba mas mainam na hanapin ang NMIS inspection certificate para makatiyak na malinis ang binibiling process food para ligtas itong kainin at maprotektahan ang kalusugan.