Obrero itinumba

MANILA, Philippines - Isang 30-anyos na cons­truction worker ang nasawi makaraang pagbabarilin ng isang hindi pa kilalang salarin habang naglalakad sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Norlito Enriquez, ng Sta. Ana.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng gunman.

Naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa Mabuhay St. Sta.Ana.

Patungo umano sa sakayan ng dyip papasok ng trabaho ang biktima kasama ang isang alyas “Shaidy”, 32, nang biglang unahan sila sa paglalakad ng suspect at biglang huminto at malapitang pinagbabaril ang biktima. Bineberipika pa ng pulisya ang isyung rape na diumano’y kinakaharap ng biktima na maaring dahilan para ipatumba ito.

Show comments