3 holdaper arestado

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong holdaper matapos biktimahin ang tatlong kabataang kalalakihan na nagmemeryenda kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City. 

Nakilala ang mga suspect na sina Benigno Pili, 26; Jerry Vital, 39 at Honorio Dela Cruz, 42, pawang mga residente ng Llano Road, Barangay Llano ng nabanggit na  lungsod.

Lumalabas sa report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi habang nagme­meryenda ang tatlong biktima na hindi binanggit ang mga pangalan sa  kahabaan ng Ninong Macario Sr. St.,  BF Homes, Barangay Llano ng nabanggit na  lungsod.

Nilapitan ang mga biktima ng tatlong suspect gamit ang baril at patalim at kinuha ang cellphone ng mga biktima bago nagsitakas.

Kaagad naman nag-report sa mga pulis ang mga biktima, na naging dahilan upang magsagawa ng follow-up operation sa nasabing lugar.

Unang nadakip si Pili at inginuso nito ang dalawa pang kasama, na nagresulta rin nang pagkakadakip sa mga ito.

Show comments