Sementeryo ni-raid: 30 timbog

MANILA, Philippines - Umaabot sa 30 katao ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 nang isagawa ang saturation drive sa loob ng Manila North Cemetery kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Edgardo Noriega, OIC ng MNC, dinala sa MPD-Station 3 ang mga dinakip para isalang sa character investigation kung saan pawang natutulog sa ibabaw ng nitso sa loob ng musoleo ang mga nahuli.

Sinabi ni Noriega na ang saturation drive ay bunsod na rin ng report na muling pinamumugaran ng mga snatcher at holdaper ang nasabing sementeryo. Samantala, idinagdag pa nito na handa na ang pamunuan ng MNC sa posibleng pagdagsa ng tao sa Undas.

Show comments