3 tiger cubs, dadagsain sa Manila Zoo

MANILA, Philippines - Inaasahang dadagsain ng publiko sa Manila Zoo ang tatlong bagong panganak na tiger cubs na ipinangalan din sa tatlong nagdaang mala­lakas na bagyo sa bansa.

Personal na binisita kahapon ni Manila Mayor Al­fredo Lim ang tatlong tiger cubs na pinangalangang Pedring, Ramon at Quiel na ipina­nganak sa kasagsa­gan ng bagyo sa bansa. Ipi­­nanganak ang tatlo noong Agosto 14.

Ayon kay Parks and Re­creation Bureau chief Deng Manimbo, dalawang buwan at 22 araw na ang mga tiger cubs na cross breed ng Si­berian at Bengal.

Nabatid na ang mga ma­gulang ng tatlong tiger cubs ay sina Paul at Love na naka­kulong din sa Manila Zoo.

Giit ni Lim, may dagdag na kaaaliwan na naman ang mga namamasyal sa Manila Zoo na nais na ipasara ng isang grupo.

Show comments