Kelot utas sa tandem

MANILA, Philippines - Isa namang lalaki ang pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem sa Pasig City kamakalawa ng gabi. Tama ng mga bala sa ulo at katawan ang agarang ikinamatay ng biktima na si Ryan Nonato, 30, ng Kamias St., Brgy. Manggahan, Pasig City. Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen. Dakong alas-8:20 ng gabi kamaka­lawa nang maganap ang pamamaril malapit sa tahanan ng biktima sa Kamias St., Napico, Brgy. Manggahan, Pasig City. Ayon sa report, naglalakad ang biktima patungo sa isang tindahan upang bumili sana ng tinapay nang bigla na lang itong tapatan ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at saka pinaulanan ito ng bala. Kaagad namang tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng krimen at kung sino ang may kagagawan nito.

Show comments