15-anyos utas sa kainuman

MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na binatilyo ang sinaksak at napatay ng isa niyang kainuman na nakulitan sa una sa paulit-ulit na pagtagay sa una, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa pagamutan ang biktimang si Allan Jhay Tayota, out of school at residente ng Rose St., Baesa, ng nasabing lungsod , sanhi ng tinamong mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nakakulong naman sa Caloocan City Police ang suspek na si Francisco Patan, 39.

Dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Rose St., Baesa sa siyudad. Nabatid na masayang nag-iinuman ang biktima at suspek at ilang kaibigan nang magalit ang suspect sa biktima dahil umano sa paulit-ulit na pagtagay sa kanya ng huli.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa binunot ng suspek ang nakatago nitong gunting at pinagsasaksak ang biktima.

Show comments