Welder natusta sa kuryente

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos na matusta nang buhay sa kawad ng kuryente ng welding machine makaraang matapakan niya ito habang nagtatrabaho sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Jayson Fontanilla, 30, welder ng 19th St. Murphy Cubao. Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa pinagta-trabahuhan ng biktima sa may Metom St. Brgy Commonwealth QC. Ayon kay Christopher Columbos, kasamahan ng biktima, busy sila sa kanilang ginagawa nang maapakan umano ng biktima ang isang metal sheet na direktang nakakonekta sa welding machine. Sinikap naman iligtas ni Columbos ang kasama sa pamamagitan ng pagpatay sa circuit breaker ngunit binawian din ng buhay ang biktima.

Show comments