Kuya tinigok ng utol

MANILA, Philippines - Isang 45-anyos na kuya ang sinaksak at napatay ng kanyang nakababatang kapatid sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Richard Manalang, ng Perla St., Tondo dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Tinutugis naman ngayon ang utol nitong suspect na si Ryan Jay, 30, na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO3 Paul Dennis Javier ng MPD-Homicide Section, dakong alas-9:20 ng umaga nang magbangayan ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay na natigil lamang sandali subalit muling nagpang-abot hanggang sa magpambuno ng kutsilyo.

Hanggang sa maagaw ng suspect ang patalim at undayan ng sunud-sunod na saksak ang kanyang kuya.

Show comments