Lola hirap na sa hika, tumalon sa ilog

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ang malalang hika ang nagtulak sa isang 74-anyos na lola upang wakasan ang kanyang buhay makaraang tumalon ito sa ilog sa Maynila.

Binawian ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jovita Tribiana, ng Sandico St., Tondo, Maynila dulot ng pagkatama ng ulo sa bato at gasgas sa kaliwang mukha.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Delpan Bridge, Intramuros, Maynila.

Sinabi ng ilang saksi na nakita nila ang biktima na tumalon mula sa tulay subalit lumagapak ito, una ang ulo sa batong pundasyon ng tulay.

Nabatid sa mga kamag-anak ng biktima, na may matagal na itong iniindang sakit na asthma na kanyang idinadaing.

Show comments