Kalansay nahukay

MANILA, Philippines - Kalansay ng isang tao ang bumungad sa mga naghuhukay ng linya ng Maynilad Water Services Inc. sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dakong alas-11 ng gabi nang madiskubre ang kalansay sa isang imburnal sa panulukan ng Ilaya at P. Herrera Sts., Tondo.

Sinabi umano ni Dennis Deniega, 40, empleyado ng Maynilad, dalawa silang naghuhukay sa nasabing imburnal nang may matisod na bagay sa halip na lupa. Nang alamin ay nakita ang kalansay ng tao.

Show comments