Bangkay ng lalaki, lumutang sa Pasig River

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng di kilalang lalaki ang natagpuang pa­lutang-lutang sa Marikina  River­ na sakop ng Brgy. Santolan sa Pasig City kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa 25 hanggang 30-anyos, nakasuot ng kulay green na t-shirt, at shorts at Adidas na rubber shoes.

Ayon sa Pasig City Police, dakong alas-7:30 ng umaga nang makita ni Romulo Oblique, 40, residente ng naturang lugar ang palutang-lutang na bangkay sa likuran ng Glass Garden Restaurant, sa E. Pasco­ Avenue corner Evange­lista St., sa Brgy. Santolan.

Wala namang anumang palatandaan na sinadya ang pagkamatay ng biktima ngunit iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad kung may foul play sa insidente.

Show comments