Natakasan ng preso, hepe ng PS-5 sinibak

MANILA, Philippines - Matapos matakasan ng siyam na preso, tuluyan nang sinibak sa puwesto ang hepe ng Quezon City Police Station 5 na si Supt. Edgardo Pamittan.

Si Pamittan ay pansamantalang pinalitan ni Supt. Froilan­ Uy alinsunod sa kautusan ni QCPD director General­ George Regis.

Ang pagsibak kay Pa­mittan­ ay bunga ng pagkaka­takas ng siyam na preso sa mis­mong kanyang tanggapan noong Martes ng madaling-araw.

Lima sa mga pugante ang agad na naibalik sa selda ito ay kinilalang sina Pedro Perez, Russel Catintay, Romulos Bagnate, Joel Gorobot at Richard Santos.

Si Santos ang huling na­ibalik sa selda matapos na kusang isuko ng kanyang tiyahin sa nasabing tanggapan ganap na alas-3:30 ng hapon kamakalawa.

Habang patuloy pang tinutugis ang natitira pang pugante na sina Severilio Soriano, Richard David, Ernesto Ramasanta at Alex Francisco.

Show comments