Sekyu itinumba sa bar

MANILA, Philippines - Patay ang isang guwardiya matapos pagsasaksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na nakatalo ng una sa loob ng videoke bar sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw. Dead-on-the-spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Richard Sequebiense, 23, stay-in security guard sa Cabral St., Brgy. Maysan, Valenzuela City. Dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente. Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa loob ng isang videoke bar sa General T. de Leon ng nabanggit na lungsod nang makatalo ang mga suspek na nasa kabilang mesa. Nauna na itong naawat subalit paglabas ng biktima ay hindi na pinaporma ng mga suspek, sabay na pinagtulungang pagsasaksakin bago nagsitakas.  

Show comments