MANILA, Philippines - Tatlong suspect na itinuring na most wanted person kabilang ang isang mi yembro ng Philippine Army ang nalambat ng mga operatiba ng Quezon City Police District sa magkakahiwalay na operation, iniulat kahapon.
Kinilala ni Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang mga suspect na sina Staff Sargeant Rolando Manuel, 41, nakatalaga sa Camp Aguinaldo; Jose Gerardo Aquino, 26; at Oliver Montano, 28.
Ayon kay Marcelo, si Manuel ay may standing warrant of arrest sa kasong paglabag sa section 5 ng Republic Act 9262 o ang violence against Women and Their children protection law; habang si Aquino ay may kasong estafa. Si Montano naman ay nahaharap sa kasong physical injuries.
Giit ni Marcelo, ang pag-aresto sa mga suspect ay sanhi ng kanilang pagkilos laban sa mga itinuturing na wanted sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga ginawa nilang kasalanan.
Ayon sa ulat, si Manuel ay nadakip sa mismong tang gapan niya sa Camp Aguinaldo, habang si Aquino naman ay nadakip sa may bayan ng San Pedro sa Laguna sa magkakahiwalay na operasyon na ginawa ng CIDU, ganap na alas-3 ng hapon.
Tanging si Montano lamang ang nadakip ng mga operatiba ng Police Station 1 sa kanyang bahay sa no. 2 Palali St., Brgy. Sienna sa lungsod, matapos na mag-isyu ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya kahapon.
Ang mga suspect ay nakapiit ngayon sa CIDU kung saan naglaan ang korte ng piyansa sa kanilang mga kaso para sa kanilang pansamantalang paglaya.