Holdaper kumana uli

MANILA, Philippines - Isang sangay na naman ng LBC ang natangayan ng malaking halaga matapos na holdapin ng armadong lalaki sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay PO3 Harry Budomo ng Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD), ang hinoldap na sangay ng LBC ay nasa #465 Quirino Highway sa Brgy. Talipapa sa nabanggit na lungsod. 

Ipinagbigay-alam ng re­presentative ng LBC na si Philip delos Santos, 44, ang in­sidente sa pulisya.

Sa pagsisiyasat, naganap ang krimen pasado alas-2 ng hapon kung saan pumasok ang nag-iisang di-kilalang lalaki na nagkunwaring kustomer.

Dito na nagdeklara ng holdap sa mga kawani ng establisyemento kung saan sa takot naman ni Delos Santos ay agad nitong ibinigay ang kinita ng sangay na nagkakahalaga ng P8,334 sa suspect na agad namang tumakas lulan ng motorsiklo.

Show comments