Tomador itinumba ng 2 tinedyer

MANILA, Philippines - Nasawi sa Mary Johnston Hospital ang isang 35-an­yos na lalaki matapos pagtulungang saksakin ng dalawang binatilyo sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Allan Torres, binata, walang trabaho at residente ng #177 San Sebastian Street sa nasabing lugar.

Hinahanting na ng pulisya ang mga suspek na itinago sa pangalang Rick at Rey na kapwa 15-anyos at naka­tira sa bahagi ng Alcalde Street sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Virgo Villareal, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa bahagi ng Osmeña Street.

Nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang biglang lapitan at pagtulungang saksakin ng mga suspek.

Tinangka pang isalba ang buhay ng biktima subalit namatay din sa nasabing ospital.

Show comments