Tulak dakma sa buy-bust

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 31-anyos na mister na pinaniniwalaang notoryus na drug pusher matapos madakma ng mga operatiba ng Manila Police District-District Anti-Illegal Drugs sa inilatag na buy-bust operation sa Malate, Maynila noong Huwebes ng gabi.

Naisailalim na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek na si Erick Verses Llantero ng #155 Rial Street, Muntinlupa City ka­ugnay sa kasong pag­labag sa Secton 5 at Sec. 11, Ar­ticle ll ng Republic Act 9165.

Sa ulat ni C/Insp. Ro­bert Domingo, hepe ng  DAID-Special Operation Task Group, isinagawa ang buy-bust operasyon sa harapan ng fast food chain sa Quirino Avenue, San Andres St. sa Malate.

Nagkasundo ang suspek at mga poseur-buyer na sina PO3 Modesto Bornel at PO2 Enrique Miranda sa halagang P27,000 kapalit ng ilang gramo ng shabu.

Dito naglutangan ang mga operatiba ng pulisya sa pag-aresto sa suspek kung saan narekober ang 25 gramo ng shabu at marked money na ginamit sa ope­rasyon.

Show comments