Dalaga nilamon ng ilog

MANILA, Philippines - Patay ang isang dalaga makaraang malunod sa ilog matapos na tumaob ang bangkang sinasakyan nito habang naglalayag sa ilog Pasig na sakop ng Pasig City kahapon ng madaling-araw. Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang biktimang si Michelle Montero, 19, ng Bagong Ilog, Pasig City.

Batay sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang magkayayaan ang biktima at mga kaibigan na sumakay ng bangka matapos mag-inuman sa Bagong Ilog, Pasig City.

Sa kasamaang-palad, tumaob ang bangka at nahulog ang mga sakay nito kabilang ang biktima. Nakalangoy naman ang mga kasamahan ng biktima patungo sa pampang ngunit hindi na nakita pa ang biktima. Posible umanong hindi marunong lumangoy ang biktima kaya’t hindi nito nagawang lumangoy pabalik sa pampang, at tuluyang nilamon ng ilog.

Show comments