Mosquito trap ninanakaw

MANILA, Philippines - Hindi pinatawad at ni­na­kaw ng mga kawatan ang mga nilagay na mosquito trap ng Department of Science and Tech­nology (DOST) sa mga barangay sa Metro Manila na may mataas na kaso ng dengue.

Ito ang ibinunyag ni Dra. Teresita Fortuna, director ng DOST-NCR Office sa Quezon City na nagsabi pang bukod sa nananakaw ay naaanod ng tubig-baha ang mosquito trap lalo na kapag malakas ang buhos ng ulan dahilan para maapektuhan ang kampanya ng ahensiya laban sa pagkalat ng sakit na dengue sa Kalakhang Maynila.

Gayunman, sinabi ni Fortuna na tuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Interior and Local Government pati na sa mga barangay health workers para mapalakas ang dengue information campaign at ga­yundin mabantayan at masukol ang mga kumukulimbat sa mga trap.

 Matatandaang una nang namahagi ng mosquito trap ang DOST katuwang ang Department of Education ng 81, 000 mosquito trap sa Metro Manila at mga karatig lala­wigan na may matataas na kaso ng dengue upang kahit paano ay makatulong na bu­maba ang bilang ng mga taong nabibiktima ng naturang sakit.

Show comments