6 pulis sa 'torture' iniharap sa CHR

MANILA, Philippines - Iniharap na sa mga imbestigador ng Commission on Human Rights (CHR) ang anim na miyembro ng Manila Police District na isinasangkot sa umano’y pagtorture sa dalawang preso na kanilang hinuli sa kasong panghoholdap sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Marie Cruz, spokesperson ng CHR, iniharap ang mga pulis ng MPD Station 3 (Sta. Cruz) Blumentritt PCP na sina PO1’s Lester­ Caguintuan, Christopher Duran, Eduardo Larroya Jr., Richard Closa, Andrei Nunez at Michael John Cabusao sa mga presong sina Gerry Diaz, 38, at Rommel Perez, 30, kapwa miyembro ng Sputnik Gang upang kilalanin ng mga huli ang umano’y nang-torture sa kanila.

Samantala, hiniling naman ni Cruz sa mga mamamaha­yag na huwag kunan ang mga pulis na isinasailalim sa kani­lang imbestigasyon upang ma­pangalagaan din umano ng mga ito ang kanilang pa­ngalan at pagkatao.

Ani Cruz, bagama’t may reklamo laban sa mga pulis, dapat pa ring tingnan ang mga karapatan ng mga ito.

Matatandaan na inaresto sina Diaz at Perez ng mga tauhan ng PCP Blumentritt dahil sa kasong panghoholdap.

Gayunman sinabi nina Diaz at Perez na hindi nila kilala ang mga pulis na nag-torture sa kanila gamit ang yantok­ at kumukulong mantika at tubig dakong alas-4 ng umaga. Nagtamo ang dalawa ng 3rd degree burn.

Show comments