Hotel sa Maynila ginulantang ng 'bomba'

MANILA, Philippines - Nagulantang ang mga occupants ng Pan Pacific Hotel sa Ermita, Maynila nang ha­lughugin ng mga tauhan ng bomb squad ang isang kuwarto na doon nag-check-in ang isang Nigerian national.

Dakong alas-10 kamaka­lawa ng gabi nang mabulabog ang management ng nasa­bing hotel matapos na ma­kita ang mga kahina-hinalang maleta ng dayuhang guest na nakilala lamang sa pangalang Mr. Fosto.

Ayon kay Manila Police District-Station 5 chief, Sr. Supt. Frumencio Bernal, nag-check-in noong Agosto 6 si “Mr. Fosto” at nag-check out noong Agosto 15 subalit iniwan ang isang maleta sa Room 1002.

Dahil dito, minabuti ng mga hotel personnel na tuma­wag sa bomb squad at nagpadala ng bomb-sniffing dog na isang K-9 ang mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division kung saan nagpositibo ito sa aso kung kaya lalong naalarma ang mga guest at maging ang mga awtoridad.

Agad na dinala sa parking lot ng hotel ang bag ni “Mr.Fosto” subalit lumitaw na pawang mga damit ang laman ng maleta. 

Show comments