2 police asset todas sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Isang lalaki at babae na pinaniniwalaang kapwa police asset ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem sa magka­hiwalay na insidente sa Quezon City at Caloocan.

Nakilala sa pamamagitan ng kanyang identification card si Aguiles Rosabad na may katamtamang pangangatawan at moreno na napatay sa 18th Avenue at Camarilla St., Brgy. San Roque Murphy, Quezon City ganap na alas- 12:30 ng tanghali.

Sa natanggap na report ni Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, sumakay umano ang biktima kasama ang isa pang lalaki ng taxi (UVJ-400) na minamaneho ni Arne Ra­sauro at nagpahatid sa nasa­bing lugar.

Ayon kay Rasauro, pagsapit nila sa naturang lugar ay bumaba umano ang biktima at kasama nito at pumasok sa isang eskinita.

Ilang minuto pa ay bumalik sa taxi ang biktima at naiwan ang kasama nito, hanggang sumulpot ang dalawang kalalakihang armado ng baril at pinagbabaril ang una, saka umalis patungo sa isang kasamahang may dalang motorsiklo at tumakas patungong P. Tuazon St.

Sinasabing agad na ipina­alam ni Rasauro ang insi­dente sa kasamahan ng bik­tima, pero sa halip na tulu­ngan siya ay binayaran na lang siya nito ng P500 at umalis.

Dumating naman ang mga awtoridad at nagawa pang itakbo ang biktima sa Qui­rino Memorial Medical Cen­ter hanggang ideklara itong dead-on-arrival. 

Samantala, namatay naman habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center si Maryjane Love de Jose, 46, may-asawa, ng #106 2nd St., 3rd Ave., Bgy. 120, Caloocan City.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang pa­ma­­maril dakong alas-5:30 ka­makalawa ng hapon sa kahabaan ng 3rd Avenue, Caloocan City. 

Kasalukuyang kumakain ng barbeque ang biktima nang bigla na lamang duma­ting ang mga suspect at agad na pinagbabaril si De Jose.

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek at sa hindi matukoy na direksiyon sakay ng motorsiklong hindi naplakahan habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan. Sina­sabing asset umano ang bik­tima sa lugar na umano’y laganap ang bentahan ng iligal na droga. (Ricky Tulipat at Danilo Garcia)

Show comments