'Botcha' nasabat sa Balintawak

MANILA, Philippines - Umaabot sa 300 kilo ng mga bilasang karne ng baboy, baka at manok ang nalimas ng mga elemento ng QC Hall Veterinary Office kahapon ng alas-3 ng madaling-araw sa isinagawang operasyon sa Balintawak Market sa lungsod Quezon.

Ayon kay Dra. Ana Marie Cabel ng QC Veterinary Office, nangangamoy at nabu­bulok na ang karne nang ka­nilang makumpiska. Partikular na nasamsam ang mga bila­sang karne sa MC Market, Old Samson Road North, Diversion at Riverview sa Balintawak.

Ayon kay Cabel, ang bagong modus operandi ng mga tindera ay ang paghahalo ng mga botcha sa mga bagong karne para makapanglinlang sa mga ma­mimili. Dinala na sa Parks and Wildlife ang mga nakumpis­kang botcha para ipa­kain sa buwaya.  

Show comments