MANILA, Philippines - Naglabas ng halagang P.2 milyong pabuya si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa makakapagturo at makakahuli sa pumatay sa dating purok leader na tao ni Vice-Mayor Egay Erice.
Ayon kay Echiverri, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Caloocan ng hala gang P200,000 sa sinumang makakahuli o makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng dalawang sus pek na pumatay kay Samuel Delana, 44, residente ng Bagong Silang, Brgy. 176 ng nabanggit na siyudad at pagkasugat naman ng kasama nitong si Nelda Dioquino.
Kaugnay nito, naglabas na rin ng Computerized Composite Criminal Illustration (facial sketch) ang Northern Police District (NPD) laban sa triggerman ni Delana upang mas madali itong makilala.
Nabatid na ang suspect ay tinatayang nasa pagitan ng edad na 30 hanggang 31-anyos, katamtaman ang pangangatawan, kulay kayumanggi, may taas na 5’6” hanggang 5’7” at huling nakitang nakasuot ng asul na t-shirt.
Matatandaan na naganap ang pamamaril ay noong Martes, dakong alas-10:15 sa kahabaan ng Main Road, Phase 5, Bagong Silang ng nabanggit na siyudad.