Project Kalusugan sa Kababaihan vs cancer inilunsad sa Navotas

MANILA, Philippines - Upang labanan ang paglaganap at ang lumalalang sakit ng mga kababaihan, ang cervical at breast cancer, nakiisa si Navotas City Mayor John Rey Tiangco para sugpuin ang nakamamatay na sakit.

Nabatid, na inilunsad sa harapan ng Navotas City Hall ang proyekto hinggil sa kalusugan ng mga kababaihan, ito ay ang paglaban sa sakit na breast at cervical cancer.

Dinaluhan ito ng mahigit sa 200 empleyado ng city hall at ilang kilalang mga personalidad.

Tinalakay rin sa nasabing proyekto kung paano maiwasan at malunasan ang nakamamatay na sakit, na kung saan bawat dalawang minuto ay may kababaihan namamatay sa sakit na cervical cancer.

Ilan rin sa mga kababaihan dumalo ay sumailalim sa vaccination para masigurong ligtas sila sa nakamamatay na sakit, na kahit edad 9-taon hanggang 40-anyos ay posibleng dapuan nito at wala aniya itong sintomas o palatandaang nararamdaman kung nadapuan ng nabanggit na sakit ang isang babae.

Ayon sa mga doctor, ang mahalaga aniya ay magpakonsulta sa mga OB-Gyne at kumain ng masustansiyang pagkain para hindi agad madapuan ng naturang sakit.

Show comments