Mister itinumba sa Navotas

MANILA, Philippines - Hinihinalang onsehan sa droga ang dahilan ng kamatayan ng isang mister matapos itong pagbabarilin ng tatlong kala­lakihan na pawang magkaka-angkas sa isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Navotas City. Dead on the spot ang biktimang si Remigio Solitario, 46-ng Squatter Area, Market 3, Navotas Fish Port Complex ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:20 ng umaga sa loob ng Market 3, Navotas Fish Port Complex. Ayon sa ilang saksi, nakita na lamang nila na hinahabol ng mga suspek ang biktima at pagsapit sa naturang lugar ay pinagbabaril ng mga ito si Solitario. Makalipas ang ilang sandali ay nakitang patay na ang biktima at ang mga suspek naman ay mabilis na nagsitakas na sakay ng motorsiklo. Sa inisyal na imbestigasyos ng pulisya, onsehan sa droga ang isa sa anggulong kanilang nakikita kung bakit pinatay ang nabanggit na biktima.

Show comments