Holdaper na parak, tugis

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ang isang bagitong pulis at tatlo pang kasamahan nito matapos umanong holdapin ang isang ginang­ kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Kinilala ang suspek na si PO1 Ollan Alexis, ng Brgy. Hulong Duhat ng nabanggit na siyudad.

Inaalam pa ng pulisya ang mga pangalan ng tatlo pang kasamahan nito.

Samantala, kinilala ang biktimang si Elizabeth Ochoa, 44, nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy.Maysilo ng naturang lungsod habang naglalakad ang biktima kasama ang isang kaibigan nang biglang harangin ng mga suspek. Agad silang tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap.

Hindi nakapalag ang biktima at sa takot na siya ay barilin, nakuha kay Ochoa ang cash na nagkakahalaga ng P3,500 saka mabilis na nagsitakas ang mga suspect.

Show comments