1 babae at 1 lalaki sinalvage sa Maynila

MANILA, Philippines - Isang babae at isang lalaki pinaniniwalaang bik­tima ng salvage ang natag­puan na kapwa nababalot ng packaging tape ang mga mukha, nakagapos ang mga kamay at markado ng lubid sa leeg sa San Andres, May­ nila, kahapon ng madaling-araw.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan ang pulisya sa dalawang biktima.

Sa ulat ni PO3 Giovanni Valera, dakong ala-1:05 ng madaling-araw nang ma­diskubre ang bangkay ng babae tinatayang nasa edad na 45-50, nakasuot ng checkered na short pants, dark blue na t-shirt, nakadapa sa bangketa sa Perlita St., San Andres, Maynila. 

Dakong ala-1:10 naman sa Osmeña Highway nang matagpuan ang lalaki na nasa edad 45-50, nakasuot ng pantalon na camouflage, sandong puti at sweater na grey. Isang karton na may nakasulat na “Pusher ako, magna­nakaw din ako” ang ipinatong sa bangkay nito.

Malaki ang paniwala ng pulisya na iisa lamang ang gumawa ng krimen sa mga biktima.

Ang mga bangkay ay kap­wa inilagak sa Saint Harold Funeral Homes para sa safekeeping at awtopsiya.

Show comments