Parak niratrat ng riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Isang kagawad ng pulisya ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin nang malapitan ng riding-in-tandem  sa lungsod Quezon, kahapon.

Nakilala ang biktima na si PO2 Roderick Valencia, naka­talaga sa Police Station 11 na agad na isinugod sa Chinese General Hospital.

Nangyari ang insidente ganap na alas-4:45 ng hapon sa may Halcon St., La Loma habang ang biktima ay nakatayo sa nasabing lugar nang bigla na lamang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang mga suspect saka pinaputukan ng backrider sa tagiliran at mukha ang biktima saka mabilis na tumakas. Agad namang isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima kung saan ito patuloy na nilalapatan ng lunas.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insi­dente.

Show comments