Driver, dinedo

MANILA, Philippines - Palaisipan sa pulisya ang pagkamatay ng isang habal-habal driver matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin kahapon ng umaga sa Makati City.

Nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Marlon Quigao, 31, may asawa, nakatira sa Lot 13, Emerald Ext., Bgy. Pembo, ng nabanggit na siyudad.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up ang mga pulis sa hindi pa nakikilalang suspect.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ni PO3 Ronaldo Villa­­randa, ng Station Inves­ti­gation Division (SID), Makati City Police, naganap ang in­­sidente dakong alas-8 ng umaga sa harapan ng Parents­ Residence, sa Lot 13, Emerald­ Ext., Bgy. Pembo.

Nabatid na minama­neho ng biktima ang kanyang habal-habal nang sumulpot ang suspect na nakapayong at nakasuot ng pantalong pang-militar.

Dito ay agad na pinagbabaril ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan habang mabilis na tumakas ang suspect matapos ang pamamaril. 

Show comments