Libingan ng mga Bayani nilapastangan sa pre-nuptial photo shoot - AFP

MANILA, Philippines - Isang malinaw na pag­lapastangan at pambabas­tos sa puntod ng mga ba­yani ang kontrobersyal na pre-nuptial photo shoot ng isang magsing-irog na ipinoste pa sa facebook.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni AFP Spokesman Commodore Miguel Jose Rodriguez na sinimulan na nila ang imbestigasyon sa kontrobersyal na pre-nuptial photo shoot nina Ruskin at Prisci.

Ang imbestigasyon ay matapos na dagsain ng reklamo mula sa pamilya at kaibigan partikular na ng mga bayaning sundalo ang tanggapan ni Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin.

“We are saddened, well siguro yung couple na yun they didn’t know that they are actually violating the sacredness of that place, they didn’t think to respect the dead (hero’s). In our culture the cross should be respected and then you sit on it”?, ani Rodriguez na ang tinutukoy ay ang mga ‘wacky pose’ ng magsing-irog.

Ilan sa mga naobserbahang larawan na naka­poste sa facebook nina Ruskin at Prisci ay mistu­lang nagsasayaw ng balley na nakatuntong pa sa ibabaw ng krus ang babae; nakaupo sa krus habang nagyo-yosi at umi­inom ng alak; niya­yakap naman ng nasabing lalaki na pasalampak at nakangiti sa krus ng yumaong bayaning sundalo at iba pa.

Show comments