Negosyante itinumba sa loob ng bahay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 46-anyos­ na negosyante makaraang pasukin ito sa loob ng kanyang bahay at pagbabarilin ng nag-iisang suspek, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa tiyan ang biktimang nakilalang si Dionisio Dioquino, ng B. Francisco St., Brgy. New Zaniga, ng naturang lungsod­.

Sa ulat ng pulisya, abala­ sa pamamahala sa kanyang mga tauhan ang biktima sa kanyang tin­dahan dakong alas-7:30 ng umaga­ nang pumasok ito sa loob ng bahay.

Ayon sa mga tauhan nito, naka­rinig umano sila ng pag­ta­talo sa loob ng bahay hanggang sa umalingaw­ngaw ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.

Humahangos na lu­mabas ng bahay ang hindi nakilalang suspek na may taas umanong 5’9’’, naka­suot ng itim na jacket, itim na pantalon at armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.           

Mabilis na tumakas ang salarin lulan ng itim na Honda XRM motorcycle na walang plaka at pina­harurot ito tungo sa direksyon ng Boni Avenue­.

Blangko naman ang mga awtoridad sa mo­tibo ng naturang pamamaslang dahil sa wala umanong kilalang kaaway ang biktima.

Hinihinala naman ng pulisya na maaaring personal ang motibo ng na­turang krimen.

Show comments