Kelot utas sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding team tandem kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Benjie Ogaya, “alias Dagul”, 26, ng Santos St., ng nabanggit na siyudad, nagtamo ito ng tatlong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima sa panulukan ng Layug St., at service road ng Roxas Boulevard, Pasay City habang nagsisipilyo ang biktima, nang sumulpot ang mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo na nakasuot ng itim na bonnet. Tinapik pa ng isa sa mga suspek ang biktima at saka nagtanong ito kung siya si Dagul at sumagot naman ang biktima na siya nga ito, dito na bumunot ng baril ang mga suspek at pinagbabaril ito.

Mabilis na sinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa pagamutan, subalit hindi na umabot pang buhay habang ang mga suspek naman ay mabilis na tumakas.   

Show comments