Totoy binoga habang natutulog, dedo

MANILA, Philippines - Tuluyan nang hindi pina­gising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang isang 16- anyos na binatilyo makaraang barilin ito ng hindi matukoy na salarin sa loob ng isang nakaparadang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Si Bonifacio Vibar, tubong Bulacan at naninirahan sa Narra St., Sitio Talanay ay naabutan na lamang duguang nakahandusay sa loob ng isang PUJ sa panulukan ng Sitio Talanay, Batasan Hills

Ayon sa pulisya, wala namang nakikitang matinding dahilan sa pagpatay sa biktima kung hindi ang matinding galit ng pinaniniwalaang nakaaway nito o mga miyembro ng gang.

Bukod pa rito ang umano’y mga nagaganap na nakawan sa lugar na kung saan ay isa ang biktima sa itinuturong suspect.

Nangyari ang insidente da­kong alas-12 ng madaling araw sa nasabing lugar.

Ayon sa mga residente, natutulog umano ang biktima sa loob ng PUJ nang makarinig sila ng tatlong malalakas na putok ng baril.

Agad nila itong pinuntahan ang sasakyan kung saan tumambad sa kanila ang duguang katawan ng biktima, at umaagos ang dugo sa ulo nito.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insi­dente.

Show comments