Pulis dinedo sa photo shop

MANILA, Philippines - Isang pulis ang kumpirmadong nasawi matapos pag­babarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa loob ng photo shop sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napatay na si SP01 Ernie Escalaw, 45, may asawa, ng #74-A Gregorio Street, Barangay Hulong Duhat, nakatalaga ito sa District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD).

Ayon kina P03 Albert Juanillo at P02 Alejandro Billedo, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa loob ng Yes Photo Shop sa Langaray Street, Dagat-Dagatan, Ca­loocan City.

Nabatid, na nagpapa­gawa ng litrato si SPO1 Escalaw nang pumasok ang mga armadong kalalakihan.

Sunud-sunod na putok ng baril ang umalingaw­ngaw kung saan duguang bumulagta ang biktima habang tumakas naman ang gunmen sakay sa motor­siklo.

Show comments